Binalaan ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa paggamit ng "watusi' ngayong holiday season.

Ito ay matapos aksidenteng malunok ng isang 4-anyos na lalaki ang nasabing uri ng Christmas firework sa kanilang bahay sa Calabarzon kamakailan.

Paliwanag ng DOH, karamihan sa mga bata ay napapagkamalang candy ang "watusi" dahil sa hugis at kulay nito.

Kabilang lamang ang naturang bata sa naitalang 13 bagong fireworks-related injuries hanggang nitong Huwebes ng umaga.

"Watusi is deadly. Watusi contains yellow phosphorus, potassium chlorate, potassium nitrate, and trinitrotoluene,” anang ahensya.

“Ingestion will lead to death. Bring the patient to the emergency room ASAP. Do not buy or allow any watusi to be at your home," dagdag pa ng DOH.

PNA