Pinayuhan ni DILG Secretary Benhur Abalos, ang publiko maaaring i-report ang online scam sa website na www. scamwatchpilipinas.com kung saan madaling maipapaabot ang reklamo na direkta sa Inter-agency Response Center (I-ARC) ng gobyerno na pinapatakbo ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center.
Makikita rin aniya sa homepage ang hotline number na 1326 na maaaring tawagan para magreklamo sa pamamagitan ng pag-click ng messenger button ng Cybercrime Investigation & Coordinating Center.
Kailangan din aniya ang kooperasyon ng consumers upang mahuli at makasuhan ang mga walang takot manloloko.