Nagpahayag ng pagsuporta ang Metro Manila Council (MMC) sa hakbang ng mga local government unit (LGU) sa nasasakupan nito na maglagay ng community fireworks display zone.

Paliwanag ni MMC president, San Juan City Mayor Francis Zamora, nais lamang ng mga LGU na maging ligtas ang pagdiriwang at pagsalubong sa Bagong Taon.

Aniya, kasama ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang MMC sa hangaring maidaos ng ligtas ang holiday season.

Nakabubuti aniya ang pagkakaroon ng community fireworks display zone sa bawat lungsod na pupuntahan ng mga residente kaysa magpaputok sa kani-kanilang bahay at posible pa itong pagmulan aksidente at sunog.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Kaugnay nito, muling nanawagan ang MMDA sa mga LGU sa National Capital Region (NCR) na maglagay na ng fireworks display zone sa kanilang lugar.

“Setting up a common fireworks display zone can prevent or lessen fireworks-related injuries. Open spaces or common areas can be designated as fireworks display zones,” pagbibigay-diin ni MMDA chief Romando Artes.