Dinakip ng mga tauhan ng Philippine National Police-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) ang dalawang indibidwal sa Caloocan City dahil sa pagbebenta ng mga paputok online.

Sa isang panayam kay PNP-ACG Cyber Response Unit chief, Co. Jay Guillermo, nahuli sina Sabino Medenilla at Rodel Constantino sa sa magkahiwalay na operasyon nitong Disyembre 19 at 21.

Mahaharap ang mga ito sa reklamong paglabag sa Republic Act 7183 (Firecrackers Regulation Act) at Cybercrime Prevention Act of 2012.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Panawagan ni Guillermo sa publiko, hangga’t maaari ay iwasang makipagtransaksyon online lalo’t ang pinapayagan lamang na magbenta ng paputok ang mga puwesto na binigyan ng permit.