Hindi napigilan ni Star For All Seasons Vilma Santos-Recto ang pagkapanalo bilang "Best Actress in a Leading Role" sa naganap na Gabi ng Parangal para sa 2023 Metro Manila Film Festival 2023 na ginanap sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City nitong Miyerkules ng gabi, Disyembre 27.

Emosyunal si Ate Vi sa kaniyang acceptance speech dahil aminado siyang hindi niya inasahang siya ang makasusungkit ng parangal. Sila ni Christopher De Leon ang lead stars ng "When I Met You In Tokyo" na itinanghal naman bilang 4th Best Picture.

Mahigpit at pukpukan kasi ang labanan ng mga personalidad at maging ng mga pelikula sa kasalukuyang MMFF.

"Hindi ko po ine-expect ito. Ang adbokasiya lang po namin talaga when we did 'When I Met You In Tokyo,' it's not even the Best Actress, Best Actor, we just wanted to do a simple love story sa edad po namin," aniya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"Ang adbokasiya po namin ay maging successful ang Metro Manila Film Festival and at the same time, mabalik po sana 'yong mga tao sa sine, 'yon po ang aming inasam-asam noong mapasama nitong Metro Manila Film Festival..."

"With this 10 movies that are showing right now with Metro Manila Film Festival, bumabalik po ang mga [manonood/tao] sa sine, sana po magtuloy-tuloy, dahil ito ang kailangan ng ating industriya, ang ma-appreciate po nila ang makasama po nila ang kanilang pamilya, family bonding and I think it is happening now, sana po magtuloy-tuloy."

Ang Best Actor naman na counterpart ni Ate Vi ay ang theator actor na si Cedrick Juan mula naman sa "GomBurZa" na hinirang bilang 2nd Best Picture.