Natanong ng vlogger na si "Madam LQ" ang nakapanayam na si Vivamax sexy actress Ava Mendez kung "totopahin o jojowain" niya ang Kapuso hunk actor na si Jak Roberto, na kasalukuyang jowa naman ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza.

Kaugnay kasi ito sa naging pagbasag ni Ava sa kaniyang katahimikan tungkol sa pangmamalisya sa litrato nila ni Jak sa isang birthday party na kumakalat sa social media.

Paliwanag ni Ava, nagkasama sila ni Jak sa birthday party ng kanilang common friend, at totoong naging touchy at agresibo raw ang aktor dahil sa kalasingan.

MAKI-BALITA: Sey mo Barbie? Ava nagsalita na tungkol kay Jak

National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm

MAKI-BALITA: Buking ni Ava Mendez: Jak Roberto, ‘touchy’ at ‘agresibo’ kapag lasing

Ngunit iginiit niyang kahit touchy na ang aktor, hindi totoong nagsama sila sa iisang hotel room at may nangyari sa kanila.

MAKI-BALITA: ‘Bangag talaga siya!’ Jak may ginawa kay Ava sa elevator ng hotel

Sa dulo ng panayam na mapapanood sa TikTok, tinanong ni Madam LQ kung papatol ba si Ava sa taong may jowa.

"Papatol ka ba sa taong may jowa?" tanong nito.

"Hindi," mabilis na sagot ni Ava.

"Bakit?" sundot ng interviewer.

"Hindi ko rin gusto eh. Saka hindi ko rin gusto si Jak [Roberto]... 'yon lang 'yon," giit pa ni Ava.

"Bakit hindi mo siya gusto?" tanong ulit ni Madam LQ.

"Hindi ko siya gusto eh," sagot ni Ava.

"Jak Roberto. Totropahin, jojowain?" muling tanong ng vlogger.

"Tropa lang," sagot ni Ava.

Nag-iwan din siya ng mensahe sa bashers, lalo na sa mga tagahanga ng JakBie.

"Sa industry ko, magulo talaga. And then kung ano 'yong makita n'yong picture, nagagawan ng istorya which is naiintindihan ko 'yon. Pero behind that, hindi n'yo alam kung ano talaga 'yong real story no'n. Pero ito ngayon sinasabi ko na talaga sa inyo."

Nagsasalita raw si Ava para wala na siyang bitbit na bagahe pagpasok ng 2024.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Jak Roberto hinggil sa isyung ito. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.