Nananatiling top senatorial bet si dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa darating na 2025 midterm elections, base sa PAHAYAG survey ng Publicus Asia Inc..

Ayon sa survey, nakakuha ng voting predisposition si Duterte na 48% at trust rating na 59%.

Sinundan naman siya ni ACT-CIS Representative Erwin Tulfo na may voting predisposition at trust rating na 44%. Sumunod naman si Dr. Willie Ong na may 43% voting predisposition at trust rating na 50%.

Maging ang mga reelectionist senators na sina Bong Go, Imee Marcos, at Bato dela Rosa ay nakakuha rin ng 40%, 38%, at 36% voting predisposition, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Kabilang din sa isinagawang survey sina dating Senate President Tito Sotto (33%), dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso (31%), dating Senador Ping Lacson (31%), dating Vice President Leni Robredo (27%), Defense Secretary Gibo Teodoro (26%), at Senator Pia Cayetano (25%).

Isinagawa ang naturang survey noong Nobyembre 29 hanggang Disyembre 4, 2023 na may 1,500 respondents.