Inaasahang darating sa bansa ngayong Disyembre at sa Enero ang inangkat na bigas mula sa dalawang bansa, ayon sa pahayag ng Department Agriculture (DA) nitong Miyerkules.

Nilinaw ni DA Undersecretary and officer-in-charge for operations Roger Navarro, nasa 76, 000 metriko toneladang bigas mula sa Taiwan at India ang hinihintay na ng pamahalaan hanggang sa unang bahagi ng Enero 2024.

"We received reports that around 100,000 tons of imported rice has already arrived in the country. This is part of the 495,000 metric tons committed by import permit holders to Secretary Francisco Tiu Laurel,” anang opisyal.

National

'Julian,' napanatili ang lakas; Signal No. 3, itinaas sa 2 lugar sa Luzon

Nai-deliver na aniya sa bansa ang 20,000 sakong bigas, katumbas ng 1,000 metriko tonelada, bago pa sumapit ang Pasko.

Unang bahagi ito ng 40,000 sakong bigas na donasyon ng Taiwan, anang opisyal.

Asahan din ang pagdating sa bansa ng 75,000 metriko toneladang bigas na mula naman sa India.

"The 75,000 metric tons due in the coming weeks is part of the 295,000 metric tons of rice India has allocated to the Philippines,” sabi ni Navarro.

Dahil dito aniya, sasapat na ang imbak na bigas ng bansa hanggang sa susunod na anihan sa Marso.

PNA