
(Manila Bulletin File Photo)
Grand Lotto 6/55: Higit ₱557.9M jackpot, wala pa ring nanalo
Wala na namang nanalo sa Grand Lotto 6/55 draw nitong Miyerkules kaya't inaasahang madadagdagan na naman ang mahigit ₱557.9 milyong jackpot nito sa mga susunod na araw.
Idinahilan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), wala pa ring nakakahula sa winning combination na 27-05-51-43-54-12.
Paliwanag ng ahensya, siguradong marami na naman ang tataya para sa susunod na draw.
Sa rekord ng PCSO, huling napanalunan ang isa sa pinakamalaking jackpot ng 6/58 Ultra Lotto nitong Hunyo 30, 2023.
Nasa ₱366.6 milyon ang tinamaan ng isang taga-Cabiao, Nueva Ecija makaraan mahulaan ang winning combination na 43-58-37-47-27-17.
Binobola ang Grand Lotto tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.