Nalungkot ang mga netizen sa ibinalita ng isang brand ng footwear na magsasara na ang isang factory outlet nito pagdating ng Enero 2024.

"Islander Factory Outlet will finally close our doors and shut down on Jan. 1, 2024," anila sa Facebook post nitong araw ng Martes, Disyembre 26.

Kaugnay nito ay naka-sale ang mga produktong ibinebenta rito.

"You still have few days left to avail the discounted price of our Final Sale."

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

"To all who worked with us, patronized us, shared with us, enjoyed with us, laughed and cried with us, persevered and believed in us, our friends, colleagues, families...."

"Thank you, thank you so much!"

Marami naman sa mga netizen ang nalungkot sa balitang ito. Nagbahagi sila ng kanilang mga alaala kaugnay ng nabanggit na brand.

"Innovation is really important, for those who want to evolve on top of the competition. My 90's and early 2000's dream and favorite sandal."

"Sad. I'm a fan!"

"My 90s slipper... As in yan ang color d aq nagttsinelas dati na hindi ganyan kasi matibay talaga."

"Thank you Islander you are my papa’s Favorite footwear and mine when I was in grade school."

"Thank You Islander, as 90's Kid, pag meron ka nito Richkid kana sa paningin ng mga bata ..."

"Thank you Islander for being part of my family and childhood. Both sa akong parents dha nag work for how many years and dha pd nabuo ilang love story. Nagdako mi nga kuyogon sa factory (N Bacalso nga factory, Shopwise na kron), mag dagan2, mangutang sa canteen, nya dghan kaymig tsinelas saona. Mka sad but i wish you luck and again thank you!"

"thank you for being part of our childhood islander."

"Thankyou islander you're my favorite footwear when I was in grade school. You were my grandma's favorite too unitl now."

"This is my parent’s favorite footwear ever, Thank you for giving the best and a quality footwear!"

Ngunit nilinaw naman ng Islander Philippines na factory outlet lang ang magsasara sa kanila at hindi ang mismong brand, taliwas sa mga kumakalat na balita sa social media.

Ibinahagi ng ilang mga netizen ang reply ng isang opisyal mula sa kompanya at mismong admin ng Facebook page nito hinggil sa mga pang-uusisa ng mga netizen.

"Yan malinaw na. From Islander Philippines," ayon sa doktor-vlogger na si Dr. Richard Mata.

Ibinahagi niya sa Facebook post ang screenshot ng tugon mula sa Islander Philippines Facebook page.