Sa kauna-unahang pagkakataon ay binasag na ng Vivamax sexy actress na si Ava Mendez ang isyung ikinakapit sa kanilang dalawa ni Kapuso hunk actor Jak Roberto.

Kamakailan lamang ay usap-usapan ng mga netizen ang isang litratong kumalat sa social media na nakitang magkasama sina Ava at Jak isang birthday party ng isang common friend na ginanap sa isang hotel.

Isang nagtatrabaho sa hotel o hotel staff ang nagpakalat daw ng nabanggit na larawan sa social media.

Hindi lumaki nang bonggang-bongga ang istorya dahil naniniwala ang JakBie fans na hindi magagawang lokohin ni Jak ang current girlfriend na si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza.

National

VP Sara, wala nang balak maging miyembro ulit ng gabinete; PBBM, nag-react

Sa latest interview ng isang vlogger kay Ava, binasag na niya ang kaniyang katahimikan tungkol sa isyu.

Kuwento ni Ava, may common friend sila ni Jak at nagkataong silang dalawa lang daw ang artistang naimbitahan. Nagkaroon daw ng konting inumin at medyo nakainom na raw si Jak nang mga sandaling iyon.

Marami raw sa usherettes ang lumapit kay Jak para daw makipag-usap, at bilang celebrity ay naging mabuti naman daw ang pakikisama ng aktor sa kanila.

May mga nagrequest daw na magpa-picture sa kanila bilang celebrity kaya ang ginawa ng lahat, inikutan daw nila ang bawat table na naroon para mapagbigyan ang lahat.

Sadly raw ay na-upload na nga ito sa social media at nahaluan ng malisya, lalo't ang mga kasama nila sa photos ay naka-crop pa.

Isa pa sa mga naisiwalat ni Ava ay ang behavior ni Jak kapag nakainom na ako.

Marami raw ang sumaway at nagpaalala kay Jak na relax lang dahil iba raw pala ito kapag nakainom na.

"After no'n, eh 'di bumalik na kami sa mga upuan namin, nag-inuman na naman ulit kami. So after that, si Jak sinasabihan na nila. Like 'alalay lang, mga ganyan...'" sey ni Ava.

Untag nama ng nag-iinterview na si Madam LQ, "Bakit paano ba siya 'pag lasing?"

"Ah, ano eh... nagiging touchy na siya..." sagot ng sexy actress.

Hindi naman daw sa kaniya lang naging touchy ang aktor kundi sa iba pang guests na kasama nila.

Kung titingnan daw ng ibang tao ay puwede itong bigyan ng malisya subalit para kay Ava, normal lang ito dahil nakainom nga ang tao kaya medyo makulit nang mga sandaling iyon.

Nang medyo naparami na raw ang nainom ay tila naging agresibo na raw si Jak dahil nakikipagkulitan na raw ito sa mga babaeng usherettes.

Sa labis na kalasingan daw nila ay hindi na sila pinayagang umuwi ng birthday celebrator kaya kinuhanan na lang sila ng hotel room.

Sa elevator daw ay may nakakita sa kanilang tila niyayakap-yakap siya ni Jak, bagay na para kay Ava ay wala lang sa kaniya dahil "bangag" nga si Jak nang mga sandaling iyon, subalit binigyan naman ng malisya ng mga nakakita.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon o pahayag si Jak o si Barbie tungkol sa isyu.

MAKI-BALITA: Sey mo Barbie? Ava nagsalita na tungkol kay Jak