BATANGAS CITY — Nasagip ang apat na Pinoy at apat na South Koreans matapos masira umano ang makina ng sinasakyan nilang bangka habang nasa karagatan ng Sablayan sa Occidental Mindoro, ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard District Southern Tagalog.

Sa naturang bilang, naligtas ang apat na Pinoy na tripulante habang tatlong turista at isang diver master na mga Koreano ang nasagip.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon sa ulat ng PCG, agad silang nagsagawa ng search and rescue matapos makatanggap ng tawag mula sa kapitan ng bangkang “Motorbanca Monaliza” bandang 1:23 ng hapon.

Dagdag pa, nasira ang makina dahil sa hindi gumaganang clutch lining nang pabalik na ito mula sa Discovery Diving Spot sa Sablayan.

Natagpuan ng PCG ang bangka sa humigit-kumulang siyam na nautical miles sa timog-kanluran ng Sablayan Port. Hinatak nila ito pabalik ng Sablayan port.

Nasa maayos na kondisyon naman ang mga nasagip na mga Pinoy na sina  Alexander Tria, 37; Aldrin Pacheco, 22, at Erick Aglinis, 37. Maging ang mga Koreanong sina Seon Cheon Choi, dive master, 36; Bae Woo Ri, 32; Sina Choi So Eun, 36; at Lee Hyeok Ho.