Isang bagyo ang posibleng mabuo o pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) sa buwan ng Enero 2024, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA, maliit ang tsansang magkaroon ng tropical cyclones sa buwan ng Enero kaya’t posible raw na wala o hanggang isa lamang ang mabuo o pumasok na bagyo sa loob ng PAR.

Tatlong common tracks naman daw ang nakita mula sa climatological track hinggil sa isang inaasahang bagyo para sa buwan ng Enero. Una ay mabubuo ang bagyo sa loob ng PAR ngunit magre-recurve at hindi magla-landfall; ikalawa ay mabubuo ang bagyo sa loob ng PAR at magla-landfall sa Eastern Visayas, pagkatapos ay babalik sa hilagang bahagi ng PAR bago maglaho; at ikatlo ay mabubuo ang bagyo sa Western Pacific, papasok sa PAR at magla-landfall sa gitnang bahagi ng bansa bago maglaho.

Nagpapahiwatig din umano ang climatological track ng tatlong posibleng senaryo: ang isang bagyo na mabubuo sa Kanlurang Pasipiko ay papasok sa PAR at magla-landfall sa gitnang bahagi ng Pilipinas bago maglaho; ang isang bagyo na bubuo sa PAR ay magre-recurve ngunit hindi magla-landfall; o ang isang bagyo na mabubuo sa PAR ay magla-landfall sa Eastern Visayas bago mag-recurve patungo sa hilagang bahagi ng PAR bago maglaho.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Samantala, sinabi ng PAGASA na inaasahang magpapatuloy ang kasalukuyang "strong" El Niño event mula Disyembre 2023 hanggang Enero 2024.

Dagdag pa rito, maaari raw makaranas ang malaking bahagi ng bansa ng pangkalahatang mas mababa sa mga kondisyon ng pag-ulan mula Enero hanggang Abril sa susunod na taon.