SAN PABLO CITY, LAGUNA — Patay ang isang babae dahil sa sunog nitong Lunes ng madaling araw, Disyembre 25 sa Barangay VII-D ng lungsod na ito.

Sa ulat ng pulisya, natagpuan ng Bureau of Fire Protection (BFP)-San Pablo City ang bangkay na biktima na kinilalang si “Rowena,” na na-trap sa ikalawang palapag ng kaniyang bahay.

Probinsya

Ibang pasabog yata? Granada, pasalubong ng senglot na mister kay misis

Nagsimula umano ang sunog bandang alas-3 ng madaling araw at nakontrol ng bandang alas-5:20 ng umaga.

Nagsagawa ng arson investigation ang BFP-San Pablo City upang matukoy ang sanhi ng usnog at pinsala ng mga ari-arian.