Sa pagbubukas ng mga sinehan sa araw ng Pasko para sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF), tatlong pelikula ang nasa trending list dahil sa magagandang feedback ng mga nakapanood na nito.

Ang mga pelikulang nabanggit ay ang "Rewind" ng Star Cinema, "Family of Two" ng Cineko Films, at Mallari ng Warner Bros at Mentorque Productions.

Sa tatlong pelikulang ito na may magkakaibang genre, iisa lang ang common denominator nila: lahat sila ay may "first time."

Photo courtesy: X via Richard de Leon of Balita

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang Rewind ay comeback movie ng Kapuso Primetime King and Queen at real-life showbiz royalty couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, kaya technically, collaboration project ito ng ABS-CBN at GMA Network. Ito ang unang beses na nagsama ang dalawa sa isang pelikula na ginawa pa ng movie outlet ng "karibal" ng kanilang home network. Magical realism-Family drama ang genre nito.

Ang Family of Two naman ay pelikula ng unang pagsasama sa pelikula nina Megastar Sharon Cuneta at Asia's Multimedia Star at Kapuso star Alden Richards. Obvious naman sa pamagat na family drama ang genre nito.

At ang Mallari naman, unang sabak ni Ultimate Heartthrob at Kapamilya star Piolo Pascual sa horror movie sa MMFF, na tatlo pang karakter ang ginagampanan niya. Ito ay isang horror-suspense-historical-biographical ito hango sa buhay ng urban legend na si Father Juan Severino Mallari, na ayon sa mga usap-usapan, ay unang naitalang paring Pilipinong serial killer.

Kaya pagdating sa major awards sa darating na "Gabi ng Parangal," lumulutang sa pagka-Best Actor ang pangalan nina Dingdong, Alden, at Piolo.

Batay sa mga mababasang feedback ng moviegoers sa mga nabanggit na pelikula mula sa X, mukhang hindi naman nasayang ang pagbili nila ng movie tickets kahit na medyo may kamahalan ito.

Ang goal naman talaga ngayon ay mapabalik sa panonood sa mga sinehan ang mga tao para mapalakas ang industriya ng paglikha ng pelikula, na isang anyong-sining, lalo na sa panahon ngayong laganap at sikat na ang panonood sa iba't ibang online streaming sites at platforms.

Well, tingnan natin kung makakaapekto sa takilya ang pag-trend ng mga pelikulang ito, unang araw pa lang naman.