Pinaalalahanan ng isang obispo ng Simbahang Katolika ang mga Pinoy na iwasan ang luho ngayong Pasko.
Kasabay nito, hinimok rdn ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mamamayan na ituon ang kanilang buhay kay Hesus, sa pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang.
Aniya, ang panahon ng Kapaskuhan ay hindi panahon para sa maluluhong materyal na bagay, kundi ito ang panahong dapat magalak sa pagdating ng manunubos.
“This Christmas, avoid the rush and instead, focus on Christ. Skip the extravagance and instead, find simplicity. The true focus of Christmas should stem from the gratitude for what God had done in your life," ani Santos.
Hindi na rin aniya kailangan ang magarbong pagdiriwang ngunit, panatilihin ang payak na paggunita sa Pasko ng Pagsilang ni Hesus tulad ng kanyang pagdating sa mundo na isinilang sa payak na sabsaban.
Dapat aniyang ipadama sa kapwa ang tunay na diwa ng Pasko sa pamamagitan ng pagbabahaginan, lalo't higit sa nangangailangan gayundin ang buong kababaang loob na pag-aalay ng sarili sa Diyos.
“Christmas is more than the act of giving. The true essence of Christmas is to offer, to offer ourselves completely to God. Jesus exemplified selflessness. He humbled Himself to become human and offered His life for our sins,” pahayag pa ni Santos.