
(PNA File Photo)
Maulang Araw ng Pasko, asahan -- PAGASA
Asahan na ang pag-ulan sa iba't ibang bahagi ng bansa ngayong Lunes, Araw ng Pasko.
Paliwanag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), epekto lamang ito ng umiiral na northeast monsoon o amihan.
Sa weather forecast ng PAGASA, kabilang sa posibleng maapektuhan ng malakas na pag-ulan ang Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Aurora, at Quezon.
Posible ring magdulot ng flash floods at landslides ang mararanasang matinding pag-ulan ngayong Pasko, ayon sa PAGASA.
Maaapektuhan naman ng kalat-kalat at mahinang pag-ulan ang Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon, Palawan, Visayas (maliban sa Eastern Samar, Leyte, at Southern Leyte), at Mindanao (maliban sa Caraga at Davao Region) dahil naman sa thunderstorms dulot ng easterlies at localized thunderstorms.
PNA