Nag-trending na rin sa X ang pelikulang "Firefly" ng GMA Pictures na pinagbibidahan ng aktres na si Alessandra De Rossi.

Photo courtesy: X via Richard de Leon of Balita

Magagandang ang feedback sa nabanggit na fantasy-drama movie sa muling pagbabalik ng GMA Pictures sa paggawa ng pelikula at paglahok sa 2023 Metro Manila Film Festival.

Isa si Alex sa mga maugong na makasusungkit ng Best Festival Actress kasama pa sina Marian Rivera ng Rewind at Sharon Cuneta ng Family of Two.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Bukod sa Firefly, nauna nang nag-trend at pinupuri ang "Rewind," "Family of Two," at "Mallari."

Ang Rewind ay comeback movie ng Kapuso Primetime King and Queen at real-life showbiz royalty couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, kaya technically, collaboration project ito ng ABS-CBN at GMA Network. Ito ang unang beses na nagsama ang dalawa sa isang pelikula na ginawa pa ng movie outlet ng "karibal" ng kanilang home network. Family drama ang genre nito.

Ang Family of Two naman ay pelikula ng unang pagsasama sa pelikula nina Megastar Sharon Cuneta at Asia's Multimedia Star at Kapuso star Alden Richards. Obvious naman sa pamagat na family drama ang genre nito.

At ang Mallari naman, unang sabak ni Ultimate Heartthrob at Kapamilya star Piolo Pascual sa horror movie sa MMFF, na tatlo pang karakter ang ginagampanan niya. Ito ay isang horror-suspense-historical-biographical ito hango sa buhay ng urban legend na si Father Juan Severino Mallari, na ayon sa mga usap-usapan, ay unang paring Pilipinong serial killer.

Kaya pagdating sa major awards sa darating na "Gabi ng Parangal," lumulutang sa pagka-Best Actor ang pangalan nina Dingdong, Alden, at Piolo.

Batay sa mga mababasang feedback ng moviegoers sa mga nabanggit na pelikula mula sa X, mukhang hindi naman nasayang ang pagbili nila ng movie tickets kahit na medyo may kamahalan ito.

Ang goal naman talaga ngayon ay mapabalik sa panonood sa mga sinehan ang mga tao para mapalakas ang industriya ng paglikha ng pelikula, na isang anyong-sining, lalo na sa panahon ngayong laganap at sikat na ang panonood sa iba't ibang online streaming sites at platforms.

MAKI-BALITA: ‘Salpukan na!’ Tatlong pelikula ng 2023 MMFF trending na