Labing-apat ang sugatan makaraang sumalpok ang sinasakyang pampasaherong van sa isang truck na nakaparada sa Barangay Casasahan Ilaya, Gumaca nitong Biyernes ng hapon.

Tanging si Radel Rada, 37, taga-Catanauan, Quezon, ang naiulat na nasa kritikal na kondisyon, habang ang 13 iba ay nagkaroon lamang ng minor injuries.

Sa imbestigasyon ng Gumaca Police, nakaparada sa tabi ng kalye ang isang truck na may plakang CAF-1301 na minamaneho ni Aian Cacanog, 40, taga-Imus Cavite, nang bumangga sa likurang bahagi nito ang isang van matapos mawalan ng kontrol ang driver nito.

National

'Carina,' mas lumakas pa; 3 lugar sa Luzon, nakataas sa Signal No. 1

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng van na hindi na isinapubliko ang pagkakakilanlan at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in serious physical injuries, multiple slight physical injuries, at damage to property.