Simula nang lumabas ang mga trailer ay usap-usapan ng mga netizen ang tila pagkakapareho ng konsepto ng pelikulang "Rewind" ng Star Cinema na comeback movie nina Kapuso Primetime King and Queen Marian Rivera at Dingdong Dantes, at upcoming teleseryeng "Love. Die. Repeat" nina Jennylyn Mercado at Xian Lim.

Ang Rewind ay mapapanood na sa darating na 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF) at masasabing kolaborasyon ng ABS-CBN at GMA Network sa pelikula.

Ang Love. Die. Repeat naman ay unang pagtatambal sa serye nina Jennylyn at Xian na mapapanood sa darating na 2024, sa GMA Network.

Actually, na-delay na nga ang airing ng LDR nina Jen at Xian dahil nga nagbuntis ang una sa anak nila ni Dennis Trillo, at kinailangan niyang magpahinga.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Ito ang comeback series ni Jennylyn matapos magsilang ng anak.

Si Xian, nakagawa pa ng seryeng "Hearts on Ice" katambal si Ashley Ortega.

Si Marian naman, nang alukin daw sa kanila ang pelikula at mabasa niya ang script, walang alinlangang umoo siya at sinabi niyang gagawin niya ang nabanggit na pelikula.

Going back sa dalawang proyekto, tila maraming netizens ang nakapansing tila prehong "going back in time" ang konsepto ng dalawa.

Isa sa mga nagbigay ng komento rito ay ang TV/movie director at scriptwriter na si Ronaldo Carballo.

Ayon sa kaniyang Facebook post, "Tuwing nakikita ko ang trailers ng MMFF movie nina Dingdong Dantes & Marian Rivera na 'REWIND', showing this Christmas; At ang Teleserye nina Jennylyn Mercado & Xian Lim na "LOVE, DIE, REPEAT", eere sa January, 2024 sa GMA7."

"Iniisip ko, aware kaya sila bilang mga artista na yung mga proyekto nila, Pelikula at Teleserye, respectively, ay pawang kinopya lamang ng mga bumuo nito from an original material?!"

"Komo parehong nangopya lamang sa akda at direksyon ng iba ang kani-kanilang mga Writers, Directors, at buong Produksyon, naging magkapareho nga sila ng konsepto at kwento."

"Ultimo trailers nga nila, kung napapanood nyo, makikita nyong parehong-pareho talaga ito."

"Lalo yung highlight na namatay sa car accident ang lalaki (Dingdong/Xian);"

"Ngumangalngal ang mga asawa nila (Marian/Jennylyn), habang bumabalik ang relo/orasan sa past."

"Ang resulta, kopyang pelikula at Teleserye, mula sa pinaghirapan ng iba:

"Rewind".

"Die, Love, Repeat".

"Nakaloka ang walang pakundangang panngongopya sa trabaho at pinaghirapan ng iba. Lantarang pagnanakaw ng International Intellectual Property..."

Naghalimbawa pa ang direktor tungkol sa paggawa ng pelikula ng yumaong si Armida Siguion-Reyna kung saan kapag nagustuhan nito ang isang banyagang akda o pelikula at ginawan ito ng sariling bersyon, ay inilalagay ang kredito kung saan ito inspired.

Napapatanong tuloy ang direktor kung alam daw ba nina Marian, Dingdong, Jennylyn, at Xian ang tungkol sa halos pagkakapareho ng kanilang pelikula at serye?

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang apat maging ang ABS-CBN/Star Cinema at GMA Network tungkol dito.