Ibinahagi ni Mariel Rodriguez-Padilla nitong Sabado, Disyembre 23, ang tungkol sa pagpanaw ng kaniyang ina.

Sa kaniyang social media accounts, nag-upload si Mariel ng ilang mga larawan kasama ang kaniyang namayapang ina na si April Ihata.

“Thanks for always being proud of me. Rest now mom 🙏🏼,” ani Mariel sa kaniyang post.

Hindi idinetalye ng actress-host ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang ina.

Probinsya

Asawa ng mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, nagpadala raw ng lechon bago ang krimen?

Samantala, nagpaabot ng pakikiramay ang kapwa celebrities at fans ni Mariel sa comment section ng kaniyang post. Narito ang ilan sa mga komento: