Hindi pa rin napapanalunan ang mahigit sa ₱539.7 milyong jackpot sa 6/58 Ultra Lotto draw nitong Linggo ng gabi.

Paliwanag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), hindi nahulaan ang winning number combination na 05-06-25-13-17-16.

Nasa ₱539,740,307.2 ang premyo sa nasabing draw.

Inaasahan na ng PCSO na tataas pa ang tatamaang jackpot sa suunod na draw nito sa Disyembre 26.

Ang 6/58 Ultra Lotto ay binobola tuwing Martes Biyernes, at Linggo.