Lumobo na sa 12 ang naitalang bilang ng fireworks-related injuries (FWRI) sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa FWRI Report #3 ng DOH nitong Linggo, mula 6:00 ng umaga ng Disyembre 23, hanggang 6:00 ng umaga ng Disyembre 24, 2023, nakapagtala pa sito ng apat na bagong insidente ng pagkasugat o FWRI dahil sa paputok.

Dahil dito, lumobo na sa 12 ang kabuuang bilang ng mga nasugatan dahil sa paputok.

National

De Lima sa paggamit ng Duterte sa People Power: 'Galit sa mga aktibista pero gusto magpa-rally'

Dalawa sa mga bagong kaso ng FWRI ay mga batang lalaki na nasa 11 at 17 taong gulang, na gumamit ng mga ilegal na paputok na piccolo at boga.

Ang dalawang iba pa ay isang 23-anyos na lalaki at isang 49-anyos na babae, na gumamit ng kuwitis, sa kanilang bahay.

Ayon sa DOH, patunay ito na ang paggamit ng paputok ay delikado, hindi lamang sa mga bata, kundi maging sa matatanda.

Muling hinikayat ng ahensya ang mga lokal na opisyal na magsagawa na lamang ng community fireworks display sa kanilang lugar upang makumbinsi ang mga residente na panoorin na lamang ang mga ito, sa halip na gumamit pa ng paputok sa kani-kanilang tahanan.