Maligayang Pasko mula sa space! 🎄⁣

Ngayong Kapaskuhan, ibinahagi ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang larawan ng “Christmas Tree Cluster” na matatagpuan daw sa layong 2,500 light-years mula sa Earth.

“A little star cluster hauling a Christmas tree🎄⁣,” anang NASA sa isang Instagram post.

Ayon sa NASA, ang Christmas Tree Cluster ay isang bundle ng young stars, kung saan karamihan dito ay mga isa hanggang limang milyong taong gulang.

Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'

“For comparison, our Sun has been burning for more than 5 billion years,” paliwanag ng NASA.

“These stars give off X-rays that were picked up by our orbiting [NASA Chandra X-ray] observatory, and are depicted here in various shades of blue and white.”

“They’re surrounded by a nebula of gas observed by other telescopes, shown here in green, giving this cluster (officially known as NGC 2264) its memorable nickname,” dagdag pa nito.