Isang batang lalaki ang nasawi at sugatan naman ang kanyang ama nang masunog ang kanilang bahay sa Antipolo City nitong Sabado ng gabi.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nakulong sa nasusunog na bahay si Austin Pelominor dahil kasalukuyan umano itong natutulog nang maganap ang insidente.

Ginagamot naman sa Amang Rodriguez Hospital ang ama nito na si Alberto na nasugatan matapos tangkaing iligtas ang kanyang anak.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), dakong 9:20 ng gabi nang sumiklab ang bahay ng mag-ama sa Zone 9, Lower Villa Grande sa Barangay Cupang.

Mabilis na gumapang ang apoy sa mga katabing bahay. Umabot sa ikalawang alarma ang sunog bago tuluyang naapula dakong 11:00 ng gabi.

Sa pagtaya ng BFP, aabot sa 10 pamilya o 67 indibidwal ang apektado ng sunog na tumupok sa tinatayang nasa ₱750,000 halaga ng  ari-arian.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang sanhi ng insidente.