Isa ang award-winning Kapuso news anchor/journalist na si Atom Araullo sa mga nanonood ng pelikulang “GomBurZa” na idinirek ni Pepe Diokno.

Sa Facebook post ni Atom nitong Linggo, Disyembre 24, sinabi niya na maganda raw ang pelikula.

“Ang ganda ng #GomBurza. I have a soft spot for historical films, and this one was done really well,” saad ni Atom.

“The cinematography was so beautiful it literally moved me to tears in the execution scene,” aniya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dagdag pa ni Atom: “The acting was superb, the screenplay elegant, and the scoring on point.”

Kaya naman hinikayat niya ang kaniyang mga tagasubaybay na panoorin ang “GomBurZa”.

“Add this movie to your viewing list,” pahabol niya.

Matatandaang kabilang ang “GomBurZa” sa mga pelikulang pinangalanan bilang kalahok sa 2023 Metro Manila Film Festival.

MAKI-BALITA: Official entry ng mga pelikula sa MMFF 2023, pinangalanan na