Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Sabado ng umaga, Disyembre 23, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 8:49 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 38 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, na may lalim na 30 kilometro.

Ayon sa Phivolcs, ito ay isang aftershock ng magnitude 7.4 na lindol sa baybayin ng Surigao del Sur noong Disyembre 2, 2023.

‘Bakuna Eskwela’ program ng DOH, DepEd, aarangkada

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng nasabing lindol.

Hindi rin umanong inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.