Nagbigay ng pahayag si Senator Win Gatchalian tungkol sa relasyon nila ng girlfriend niyang si Bianca Manalo sa kabila ng isyung umaaligid dito.
Sa Instagram post kasi ni Gatchalian nitong Sabado, Disyembre 23, ibinahagi niya ang dalawang picture frame na iniregalo sa kaniya ng mag-asawang Sonny Angara at Tootsy Angara.
“What a beautiful Christmas gift from @tootsyangara and @sonnyangara. @biancamanalo and I share the same values and principles in life,” ani Win sa caption ng kaniyang post.
“No fake news will divide us apart.”
Matatandaang na-leak kamakailan ang mga conversation ni Kapuso actor Rob Gomez sa mga babaeng tila nakaka-fling ng aktor kabilang na si Bianca.
MAKI-BALITA: Bianca Manalo at Rob Gomez, palihim na nagkikita?
Nagbigay naman ng pahayag si Bianca sa kaniyang Instagram account para pabulaanan ang nasabing isyu.
MAKI-BALITA: Bianca Manalo sinabing magbibigay lang daw ng Christmas gift si Rob Gomez
Pero mukhang hindi kumbinsido ang maraming netizens sa inilabas na pahayag ng girlfriend ng senador.
MAKI-BALITA: ‘He’s in Valenzuela’ trending sa X; netizens, ‘di kumbinsido sa paliwanag ni Bianca?
Sa katunayan, maging ang mga netizen sa comment section ng post ni Gatchalian ay tila ginigising sa katotohanan ang senador. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
“Pls do not be blinded by love and leave your cheating girlfriend”
“Kala ko matalino to hindi pala.. naiputan na sa ulo, naniwala pa din sa pakarat nyang gf.”
“Sorry pero nabulag po kayo. Pagtatwanan po kayo madlang bayan.”
“I don't trust that woman. It's good you're not married to her.”
“Kakadepensa mo sa gf mo, mas lalo ka lang po nakakaawa. Kitang kita naman na hindi fake news inamin na ng gf mo na may gifts kaso ung palusot na ginawa nya BOBO lang maniniwala. Naawa ako sayo. Deserved mo ng hindi pakarat.. pero thats ur life, magpaloko ka lang sen go. Buhay mo yan”
Samantala, hindi na nagbigay pa ng komento si Gatchalian nang hingan siya ng pahayag tungkol sa isyung kinasasangkutan ni Bianca nang hingan siya ng pahayag tungkol dito sa ginanap na Zoom press briefing ng 2024 national budget at ng West Philippine Sea nitong Biyernes, December 22.
“No comment,” aniya habang nakangiti.