Ipinagbabawal pa rin ng Muntinlupa City ang paggamit ng paputok at open muffler dahil lumilikha ito ng malakas na ingay, lalo na ngayong Kapaskuhan.

"Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit at pagbebenta ng paputok o anumang uri ng pyrotechnic device sa Muntinlupa, alinsunod sa City Ordinance No. 14-092. Ito ay maaaring maging sanhi ng aksidente,” babala ng city government.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Binanggit ng pamahalaang lungsod, pagmumultahin ng ₱1,000 o pagkakakulong ang sinumang lumabag sa ordinansa sa unang pagkakataon.

Sakali namang lumabag sa ikalawang pagkakataon, pagmumultahin ng ₱3,000 o pagkakapiit ng hindi lalagpas ng anim na buwan o parehong ipatupad, depende na rin sa magiging kautusan ng hukuman.

Aabot naman sa ₱5,000 ang magiging multa sakaling lumabag sa ikatlong pagkakataon

“No private person shall use or cause to be used sirens, bells, horns. whistles or similar gadgets that emit exceptionally loud or startling sounds, including dome lights and emergency red flashing lights installed in either front or rear, and emergency red light blinkers and other similar signaling or flashing devices that actually impede and confuse traffic and which are inconsistent with sound traffic discipline and control on the roads,” bahagi ng ordinansa ng lungsod.

Pinapayagan lamang ng pamahalaang lungsod ang community fireworks display na may permit sa city government, pulisya at sa fire station.

Jonathan Hicap