Naisalaysay ng aktres na si Diana Zubiri na nakaranas siyang hindi pansinin ng staff nang minsang magpunta sila ng mga kaibigan sa store ng isang mamahaling brand.

May pamagat ang &t=1s">vlog na "The WORST LOUIS VUITTON Experience."

Kuwento ni Diana na sumikat bilang "Sang'gre Danaya" sa hit fantasy series na "Encantadia," nagpunta sila sa store ng Louis Vuitton sa Australia ng kaniyang mother-in-law noon.

Nakapang-work-out outfit noon si Diana at ang mother-in-law naman niya ay simple lang din.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Ngunit hindi raw sila pinapansin ng staff nang magtanong sila tungkol sa presyo, at nang magtanong ulit sila, ay hindi raw naging maganda ang response sa kanila.

Matapos maimbyerna, umalis na lang daw sila.

Bumalik sila roon ng mother-in-law niya na todo-bihis at awra na.

Guess what? Inasikaso na silang mabuti kaya napabili na rin sila ng mamahaling items nito.

"Has this ever happened to you? Our first trip to Louis Vuitton in Adelaide didn't go as planned. It was more of a spontaneous thing and we drove into the city to check it out."

"We were told to wait but not in a pleasant way then after a while we decided to just leave. Was it how we were dressed? Well, we hope not but we decided to try again to see if things would be different."

"This time we were dressed up and served, also the service was much better so we just hope next time it will be the same," anang Diana.

Pero sa showbiz personalities, hindi lang si Diana ang naka-expie nang ganito, kapareho o sa iba mang brand.

Hindi ba't si Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid ay may nai-share din na ganitong experience?

At siyempre, pati si Megastar Sharon Cuneta ay may ganito ring karanasan sa iba namang store.

MAKI-BALITA: Megastar, itinaboy sa isang Hermès store sa Seoul; aktres, bumalik bitbit ang 6 bag ng Louis Vuitton

MAKI-BALITA: Sharon Cuneta, winasak ang katahimikan tungkol sa di pagpapapasok sa kaniya sa Hermès store