May bago na namang parinig na hirit si "E.A.T" noontime show host Joey De Leon hinggil sa isang show.

Sa kaniyang X post kasi, flinex ng beteranong host ang larawan ng artworks na may nakalagay na "Happy New Year" bilang text caption.

Bumati ng "Merry Christmas" si Joey para sa lahat ay pabirong sinabi ang kaniyang Christmas wish.

"Merry Christmas too! Ang wish ko ngayong Pasko—-sana magbago na…magbago na…magbago na NG TITLE yung ibang show! Ngehhh! Joke only! Happy and healthy 2024 to all! 😜🤣😛," aniya.

National

PBBM sa pag-atras ni Biden sa US election: 'A demonstration of genuine statesmanship'

https://twitter.com/AngPoetNyo/status/1738379803458503055

Bagama't wala namang binanggit kung anong show, obviously, ang "Eat Bulaga!" ng TAPE, Inc. na umeere sa GMA Network ang maaaring pinatutungkulan ng X post.

Matatandaang kamakailan lamang ay nabawi na ng TVJ ang trademark ng Eat Bulaga matapos ibasura ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHIL) ang trademark registration ng TAPE, Inc. para sa titulo at maging sa logo nito.

Ngunit ayon sa legal counsel ng TAPE, hindi pa puwedeng gamitin ng TVJ ang titulo dahil aapela pa raw sila sa korte.

MAKI-BALITA: Ni-renew ng 10 taon: ‘Eat Bulaga!’ trademark pagmamay-ari ng TAPE, Inc.

MAKI-BALITA: Trademark registration ng ‘Eat Bulaga!’ sa TAPE, kanselado na

MAKI-BALITA: TVJ, Dabarkads hosts nag-react sa pagkakabalik ng ‘Eat Bulaga’ trademark

Maging ang host na si Paolo Contis ay nagsabi rin sa programa na mahaba-haba pa ang laban kaugnay ng trademark issue.

MAKI-BALITA: Paolo Contis sa isyu ng EB trademark: ‘Mahaba pa ang laban’