Simula Disyembre 24, bukas na sa mga motorista ang Kennon Road paakyat ng Baguio City.

Ito ang kinumpirma ng Baguio City Police Office Traffic Enforcement Unit chief, Lt. Col. Zacarias Dausen na nagsagawa ng inspeksyon sa Lion's Head area nitong Sabado.

Pinangunahan din ni Dausen ang paglalagay ng traffic signage para sa mga tauhan ng Kennon Police Station at Tourist Police Unit sa lugar.

Tourism

Pasig River Esplanade, worth it nga bang puntahan?

Gagawing two-way traffic ang Kennon Road dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga turista paakyat ng Baguio.

Ipaiiral din ang maximum speed limit na 40 kph (kilometer per hour).

"Only light vehicles (both public and private) weighing ten tons and below will be allowed. Public vehicles will include UV Express vehicles plying the Baguio-Rosario route only," ayon naman sa abiso ng Baguio City Public Information Office.