Balita
  • BALITA
    • Probinsya
  • SHOWBIZ
  • SPORTS
  • FEATURES
  • OPINYON
  • August 22, 2026

    Home
    arrow
    BALITA
    arrow
    National
    arrow

    2 OFWs na nakaligtas sa Hamas attack, nakipagkita kay Marcos sa Malacañang

    2 OFWs na nakaligtas sa Hamas attack, nakipagkita kay Marcos sa Malacañang

    By
    Rommel Tabbad
    December 23, 2023
    In
    BALITA National
    2 OFWs na nakaligtas sa Hamas attack, nakipagkita kay Marcos sa Malacañang
    (Presidential Communications Office/FB)

    2 OFWs na nakaligtas sa Hamas attack, nakipagkita kay Marcos sa Malacañang

    By Rommel Tabbad
    December 23, 2023
    In BALITA National

    Ibahagi

    Dalawang overseas Filipino workers (OFWs) na nakaligtas sa pag-atake ng militanteng grupong Hamas sa Israel nitong Oktubre 7 ang nakipagkita kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Malacañang nitong Biyernes.

    Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Secretary Cheloy Garafil at sinabing ang dalawang Pinoy ay sina Jimmy Pacheco at Camille Jesalva na kapwa inilahad sa Pangulo ang kanilang karanasan sa kamay ng Hamas group.

    "President Marcos said he was pleased to meet Pacheco and Jesalva, and that they returned home safely,” ani Garafil.

    Si Pacheco na nagtatrabaho bilang caregiver sa Israel ay kabilang sa mga hostage na pinalaya nitong Nobyembre 24 matapos ang 50 araw na pagkakabihag sa Gaza.

    Dumating sa bansa si Pacheco nitong Disyembre 18.

    Isa ring caregiver si Jesalva, taga-Nueva Ecija, na naging instant hero matapos ilahad ang kanyang karanasan kung paano niya nailigtas ang sarili at inaalagaang 95-anyos na employer mula sa paglusob ng grupong Hamas sa kanilang bahay.

    Matatandaang pinahanga ni Jesalva ang publiko dahil sa katapangan, dedikasyon at katapatan nang hindi nito pabayaan ang among si Nitza Hefetz sa gitna ng paglusob ng militanteng grupo.

    “Jesalva and Nitza were residing in Nirim Kibbutz on the Gaza-Israel border, which was attacked by Hamas on Oct. 7. Several militants entered their home and robbed Jesalva of her money that she was supposed to spend for her planned vacation in the Philippines,” ani Garafil.

    Nailigtas ng Israeli defense forces sina Jesalva at Hefetz sa nasabi ring araw ng pag-atake ng Hamas.

    Isinalaysay naman ni Pacheco kung paano sila nagpalipat-lipat ng lugar habang bihag ng Hamas upang makaligtas sa pambobomba ng Israeli forces.

    Aniya, tanging prutas na dates at tubig ang kanilang rasyon sa loob ng 40 araw na pagkabihag.

    "At least nakauwi kayo, at saka Merry Christmas. Napakabigat naman nung experience niyo. Isulat ninyo o i-video ninyo,” pahayag naman ng Pangulo.

    “Dapat gawin nating lahat nung mga… lahat ng repatriate. Ikuwento sila, para malaman ng tao kung ano ‘yung pinagdaanan nila. ‘Yung Israeli, mahal naman tayo eh,” dagdag pa ni Marcos.

    Inirerekomendang balita

    title

    title

    15 guro sa Oriental Mindoro, ligtas na nasagip sa rumaragasang ilog

    15 guro sa Oriental Mindoro, ligtas na nasagip sa rumaragasang ilog

    Matagumpay na nasaklolohan ng mga awtoridad ang 15 gurong na-stranded sa Sitio Naswak, Barangay Lisap, Bongabong, Oriental Mindoro noong Huwebes, Agosto 20 kasunod ng biglang pag-apaw ng Bongabong River.  Batay sa pahayag ng Police Regional Office (PRO) - Mimaropa noong Biyernes, Agosto 21, ang pag-apaw ng Bongabong River ay nagdulot ng pagkaputol ng tinatawiran nilang kawayang tulay.  Batay pa...

    Ibebentang baka para sa pampa-check up, ninakaw!

    Ibebentang baka para sa pampa-check up, ninakaw!

    Ninakaw ang isang baka matapos umanong tangayin ng hindi pa nakikilalang mga suspek mula sa isang lugar sa Purok 6, Barangay Baybay, Tangalan, Aklan. Ayon sa may-ari na si alyas “Jimmy,” napansin niyang nawawala ang kaniyang alagang baka nang puntahan niya ang pinaglalagyan nito bandang 7:00 ng umaga. Agad umano niyang hinanap ang hayop sa paligid ngunit hindi na ito natagpuan. Sa isinagawang...

    Features

    FEATURES

    1

    Asong naipit sa nasusunog na bahay, nasagip ng dalawang bumbero

    August 22, 2026

    FEATURES

    2

    ALAMIN: Mga posibleng kaganapan kung sisipot ng impeachment trial si VP Sara

    August 22, 2026

    FEATURES

    3

    ALAMIN: Paano malalabanan ang mga sakit na HIV, tuberculosis?

    August 22, 2026

    FEATURES

    4

    #BalitaExclusives: Sikreto at payo nina lola para magkaroon ng mahaba at masayang buhay!

    August 21, 2026

    FEATURES

    5

    Ninoy sa huling liham niya kay Cory: 'All the things I want to tell you may be capsulized in one line - I love you!'

    August 21, 2026

    FEATURES

    6

    ALAMIN: Bakit binansagang ‘Young Man in a Hurry’ si Ninoy Aquino?

    August 21, 2026

    FEATURES

    7

    #BalitaExclusives: Saksakan ng kuryente, nagsiklab matapos mabasa ng ulan!

    August 20, 2026

    FEATURES

    8

    #BALITAnaw: Ang maaksyong karera, buhay ni ‘Da King’ FPJ

    August 20, 2026

    Opinyon

    Sean Antonio #KaFaithTalks: ‘Pray then prepare,’ Handa ka na ba sa mga pinagdadasal mo? Sean Antonio
    Nicole Therise Marcelo #KaFaithTalks: Paalala ni Jesus: 'Huwag masyadong mag-alala' Nicole Therise Marcelo
    No author #KaFaithTalks: Bakit hindi natutupad lahat ng plano sa buhay? Sean Antonio
    No author #KaFaithTalks: ‘Survival mode na lang’ Posible pa bang umangat sa buhay ngayon? Sean Antonio
    No author #KaFaithTalks: Ang Diyos na patuloy nagpapala sa kasagsagan ng krisis Sean Antonio
    BALITA SPORTS SHOWBIZ FEATURES OPINYON
    About Privacy & Policy Advertise Contact
    Balita