Naitala sa Baguio ang unang kaso ng nasugatan dahil sa paputok ngayong Disyembre.

Sa social media post ng Baguio City Public Information Office, binanggit na isang 13-anyos na lalaki, taga-Barangay Lourdes Subdivision extension, ang nasabugan ng piccolo sa kamay nitong Disyembre 21, dakong 9:00 ng gabi.

Kaagad itong isinugod sa Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC) dahil sa sumabog na bahagi ng kanyang kanang hintuturo.

Hindi na pinutulan ng daliri ang pasyente na kaagad na pinauwi matapos gamutin.

Probinsya

38-anyos na hinihinalang estafadora, arestado sa Camarines Norte!

Noong Hunyo 20, 2017, naglabas ng executive order si dating Pangulong Rodrigo Duterte upang ipagbawal ang paggamit ng piccolo at ibang kahalintulad na paputok dahil sa nakakaalarmang bilang ng mga naitalang firework-related injuries sa bansa sa mga nakaraang taon.