Inanunsiyo ni Manila Mayor Honey Lacuna na magkakaroon ng pagbabago sa oras ng operasyon ng Manila Zoo dahil sa holiday season.

Batay sa ulat ni Parks and Recreation Bureau chief Roland Marino sa alkalde, nabatid na ang Manila Zoological and Botanical Garden ay magbubukas ng Disyembre 24 at 31 mula 9:00AM hanggang 6:00PM.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Sa Disyembre 25, 2023 at Enero 1, 2024 naman, ang oras ng operasyon ay mula 12:00PM hanggang 8:00PM.

Nabatid kay Marino na mula Disyembre 26 hanggang 28, ang zoo ay bukas mula 9:00AM hanggang 8:00PM at sa Disyembre 29 hanggang 30, ang operasyon ay mula 9:00AM hanggang 10:00PM.

Samantala, inanunsiyo rin ni Lacuna na sarado muna ang Manila Clock Tower Museum sa reservation at viewing sa Disyembre 26.

Babalik umano ang operasyon ng museum sa Disyembre 27, Miyerkules.