Kanselado ang implementasyon ng number coding scheme sa Disyembre 25, 26, 2023 at Enero 1, 2024.

Idinahilan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), holiday ang Disyembre 25 (Araw ng Pasko) at Disyembre 26, 2023, at Enero 1, 2024 (Bagong Taon).

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Gayunman, ibabalik muli ang implementasyon ng number coding scheme sa Enero 2, 2024.

“Saan man ang destinasyon ngayong Kapaskuhan, laging tandaan: planuhin ang biyahe, sumunod sa batas trapiko, at mag-ingat sa pagmamaneho," panawagan ng ahensya.

Ipinatutupad ang number coding scheme kada araw mula Lunes hanggang Biyernes, dakong 7:00 ng umaga hanggang 10:00 ng umaga, at 5:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi.