Nakakaloka ang ilang mga netizen matapos pumutok ang kontrobersiya sa pagitan ng Kapuso actor na si Rob Gomez, sangkot ang co-stars na beauty queen sa "Magandang Dilag" na sina Herlene Budol. Pearl Gonzales, at Bianca Manalo.

Nag-trending sa X ang pangalan ni Rob at mga nabanggit na beauty queen-actress matapos mabasa sa mismong Instagram account ng aktor ang ilan sa screenshots ng private conversation umano nito kina Herlene at Bianca.

MAKI-BALITA: Private convo ni Rob Gomez kina Herlene Budol, Pearl Gonzales na-leak?

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

MAKI-BALITA: Gutom daw: Rob Gomez, Herlene Budol ‘nagkakainan’ nga ba?

MAKI-BALITA: Bianca Manalo at Rob Gomez, palihim na nagkikita?

Ngunit sey ng ilang mga netizen, hindi raw nila kilala si Rob at saka lang daw nila nalamang may ganoon palang aktor dahil sa mga nabasa sa social media.

Maging ang social media personality na si Xian Gaza, ganito rin ang naging litanya.

"Sa GMA ka lang makakakita ng isang artista na may issue pero hindi mo kilala," anang Gaza.

Photo courtesy: Screenshot from Xian Gaza (FB)

Pagpapatuloy pa niya, "Hindi pa man din sumikat eh nalaos na."

"Kung hindi sikat yung mga babae eh walang magiging interesado sa tsismis na yan kaya huwag niyo na sanang tawaging artista kung lima lang naman yung nakakakilala sa hype na yan," aniya pa.

Photo courtesy: Screenshot from Xian Gaza (FB)

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens na mababasa sa iba't ibang social media platforms:

"Sino ba siya?"

"Now ko lang nalaman na may Rob Gomez pala haha."

"OMG sino siya and anong isyu?"

"Nakakaloka, medyo di ko siya kilala kasi di naman ako nanonood sa 7."

"May artista pa lang ganiyan."

"Napa-search tuloy ako hahaha."

Samantala, nagsalita na si Rob Gomez hinggil sa isyu, subalit wala siyang kinumpirma o itinanggi.

Basta ang sabi niya lang, wala sa kaniya ng phone niya.

MAKI-BALITA: Rob Gomez may simpleng pahayag sa isyu ng leaked convos

Well, sa mga hindi nakakakilala, si Rob Gomez o Robert Michael Jason Jorge Ejercito ay galing sa clan ng mga artista ng Ejercito-Estrada.

Anak siya ni former actress Kate Gomez na kapatid naman ng aktor na si Gary Estrada, at apo naman ng late veteran actor na si George Estregan.

Bago pasukin ang showbiz, nag-aaral si Rob ng kursong Export Management sa De La Salle - College of St. Benilde. Mahigpit ang paalala sa kaniya ng mga magulang na tapusin niya ang pag-aaral.

Ngunit likas yata sa dugo ni Rob ang dugo ng pag-aartista, kaya sinubukan niyang pasukin ang mundong hindi naman iba sa kanila.

Bagama't ang unang appearance niya bilang artista ay sa defunct show na "Walang Tulugan with The Master Showman" ng yumaong si German Moreno, napansin ang kaniyang acting skills sa pelikulang "A Girl and a Guy," ang unang pelikula niya, sa direksyon ni Erik Matti.

WATCH: Erik Matti to Release New Steamy Romantic Drama Film 'A Girl and A  Guy' - ClickTheCity

Photo courtesy: ClickTheCity

Pagkatapos ay naging isa siya sa leading men ni Barbie Forteza sa seryeng "Mano Po: Legacy" sa GMA Network, na collaboration project nito sa Regal Entertainment.

Sumunod ay naging leading man naman siya ni Herlene Budol sa "Magandang Dilag" sa dramarama sa hapon ng Kapuso Network.

Sa kasalukuyan ay napapanood siya sa "Lovers/Liars" sa GMA Telebabad, at kabilang sa pelikulang "Shake, Rattle, and Roll Xtreme."

Ang kaniyang partner ay si Shaila Rebortera at may anak silang babae na si Baby Amelia.