Nasa 10 taxi driver na nangongontrata at tumatangging magsakay ng mga pasahero ang hinuli ng Land Transportation Office (LTO) sa Quezon City nitong Miyerkules ng gabi.

Paliwanag ni LTO chief Vigor Mendoza II, ang mga nasabing taxi driver ay nahuli sa loob lamang ng isang oras na operasyon sa bahagi ng North Avenue kaugnay ng 'Oplan Pasaway' campaign ng ahensya ngayong Kapaskuhan.

Bukod dito, hinuli rin ang mga nag-aalok ng habal-habal driver dahil sa pangongontrata ng mga pasahero.

Eleksyon

Luis Manzano natalo, pero 'panalo' pa rin daw dahil sa mga Batangueño

Pagmumultahin aniya ng ahensya ang mga nangongontratang habal-habal driver at i-impound pa ang kanilang motorsiklo.

Nagbanta rin ang opisyal na tatanggalan ng lisensya ang sinumang driver na mapapatunayang nagkaroon ng patung-patong na violation.