Inanunsyo ni Pasig City Mayor Vico Sotto na binawian na ng business permit ng lokal na pamahalaan ang isang kumpanya na sinasabing sangkot sa umano’y hindi awtorisadong pagpapautang.

Ayon kay Sotto, sa isinagawa nilang imbestigasyon, napag-alaman nilang walang permit sa investment o pagpapautang ang kumpanyang BNY.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Anang alkalde, limitado lang kasi sa pagiging wholesaler ang permit na pinagkaloob sa BNY.

Pahayag pa ng alkalde, tatlong araw nilang sinubukang ihatid ang Show Cause Order sa naturang kumpanya ngunit walang tao sa office at home address.

Wala rin aniya ang kumpanya sa SEC website ng registered companies para sa investments o lending.

Nauna rito, noong nakaraang linggo ay marami ang nagreklamo sa Pasig Police na nabiktima umano ng naturang scam.

Nag-invest kasi sila pero wala naman nang pera na bumalik sa kanila.

Sa ngayon, hindi pa nilalabas ni Sotto ang ibang detalye sa imbestigasyon.

Humingi naman na rin sila ng tulong sa National Bureau of Investigation (NBI) para makatulong ng pulisya sa pagsisiyasat.