Iniutos na ng korte na ilipat sa New Bilibid Prison (NBP) ang 11 preso na testigo sa kaso ni dating Senator Leila de Lima.

Ang kautusan ay inilabas ni Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206 Judge Gener Gito nitong Disyembre 13.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Kasalukuyang nakapiit sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro ang mga nasabing preso.

Kabilang sa 11 preso sina convicted drug lords Herbert Colangco at Wu Yuan, alyas Peter Co.

Nauna nang inihayag ni De Lima na kinontak ng mga naturang preso ang mga abogado ng depensa dahil sa pangamba sa kanilang buhay at pamilya.

Sinabi ng mga ito na pinipilit silang tumestigo laban kay De Lima kaya't nanawagan silang maillipat sa NBP.

Matatandaang pansamantalang nakalaya ang senador habang nakabinbin ang kaso nitong may kaugnayan sa illegal na droga.

PNA