Nagbanta ang talent manager ni Ronaldo Valdez na si Jamela Santos sa mga bumastos sa legasiya ng batikang aktor.

Matatandaang nauna nang nakiusap ang anak ni Ronaldo na si Janno Gibbs na igalang ang privacy ng kanilang pamilya sa kalagitnaan ng kanilang pagluluksa.

MAKI-BALITA: Janno Gibbs, kinumpirma pagpanaw ng ama

Pero batay sa Instagram post ni Jamela nitong Martes, Disyembre 19, tila kabaligtaran ang nangyayari.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Mababasa kasi sa nasabing post ang screenshot ng isa pa niyang social media post hinggil dito.

“Mga p&!!!@%%$ ina n'yong bumastos sa legacy ni Ronaldo Valdez. Mga hayuuuuup kayo! magtutuos tayo pagkatapos ko magluksa,” saad ni Jamela.

Why people can be sooo cruel!!!! I can't believe it!!! Ano para maka-scoop kayo???!!! How can you be so low! Mga walang respeto!!!, aniya.

Dagdag pa ni Jamela: “A good and a brilliant man like him doesn't deserve this!!! Babalik senyo lahat ng ginawa n'yo!!! It's just matter of time.”

Ang tinutukoy na pambabastos ni Jamela ay ang pagkalat ng video clip ng umano'y aktuwal na pag-rescue kay Ronaldo nang makita ito sa kaniyang silid at itakbo sa ospital.

"Do we have someone from NBI that can help ???? Please mass report it 🙏," aniya sa kaniyang caption.

Makikita naman sa comment section na tila  Quezon City Police District (QCPD) ang sinisisi ng mga netizen sa nasabi umanong pambabastos. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Part ng QCPD team ang kumuha ng video na nagpakalat. The fact na kumalat yung video ng kinuha niya in the first place means kung kani-kanino nya yun sinend. Get the names of people in that room of sir Ronaldo! The fuck!ng bastard na nagpakalat should be held liable! Ang bababoy!!!!”

“To the highest level ang kabobohan ng mga pulis especially QCPD. Sila nag announce ng pagkamatay ni Sir Ronaldo, sila nagsabi na suicide ang rason, sila nagpost ng address sa New Manila, sila din kumuha at nagpakalat ng video. Ang daming batas na nilabag. File the appropriate charges after.”

“Ung mga pulis yan at mga unang rumesponde. Nagawa pa talaga mag video at pinakalat pa. Napakawalanghiya. Patay na eh binababoy pa ang legacy ni Sir Ronaldo. Rest in peace Sir Ronaldo Valdez. Kapamilya teleseryes will never be the same without you 🙏🙏🙏❤️❤️❤️”

“So sad bakit my mga tao na d nag iisip ...😢😢😢”

“Taking of videos of a crime scene by an authorized person included in the responding team is a vital part of the investigation. It should be preserved as part of the evidence. What's definitely wrong here is spread it like it's entertaining. Gosh! How cruel people are nowadays are. Is this what social media has done to us? People lose their humanity just for clout and it is sad. Sending prayers of comfort for the family and friends of #LoloSir 🙏 prayers too for the eternal repose of his soul 🙏”

“Police yan for sure. Sila lang naman allowed sa scene. Walang respeto! Dapat dyan mahuli at makulong ang kumuha at nagpakalat ng video! Sa mga nakakita, be responsible to report and respectful not to share.”

Matatandaang QCPD ang naunang nagkumpirma sa pagpanaw ni Ronaldo noong Linggo, Disyembre 17.

MAKI-BALITA: Veteran actor Ronaldo Valdez, pumanaw na

Samantala, ayon sa latest na ulat ay sinibak na sa puwesto ang dalawang pulis sa Quezon City na may kinalaman umano sa pagkalat ng leaked video ni Valdez.

MAKI-BALITA: 2 pulis-QC, sinibak dahil sa leaked video ni Ronaldo Valdez