Ilang araw na lamang at nalalapit na ang Kapaskuhan, at siyempre, hindi nawawala sa okasyong ito ng mga Kristiyano ang pagbibigayan ng aginaldo.
At speaking ng bigayan ng aginaldo o regalo, talagang nakahanda na ang mga inaanak para magmano at magbigay-galang sa kanilang mga ninong at ninang.
Kaya naman, viral sa social media ang post ng isang blogger na si "Mommy Hieds" matapos niyang ibahagi ang ipinadala sa kaniya ng sender.
"NAG-CREATE NG GC SI MADER," aniya sa kaniyang post.
"From Sender đ."
"Mommy Hieds,pakipansin po itong letter ko."
"Nananawagan po ako sa lahat ng mga magulang na wag po sanang ganito."
"Wag pong palademand sa ninong/ninang ng mga anak niyo. Magbibigay po kami ng maluwag sa puso namin. Nakikita niyo man na nakakaluwag kami sa buhay, hindi po dahilan yun para huthutan niyo kami. Ginawa niyo kaming Godparents para magabayan ang mga anak niyo hindi para mabilhan ng mga gusto nila."
"Pahabol* iadd ko daw sa post."
"Pakishare na rin po ng followers mo baka sakaling umabot newsfeed nya at tablan siya ng hiya!"
Kalakip ng post ang screenshot mula sa GC o group chat na ginawa ng nabanggit na ina sa kaniyang mga kumare at kumpare.
Mababasang sinadya niyang gawin ang GC para mag-request ng "patak-patak" o ambagan ng mga ninong at ninang sa request ng kanilang inaaanak na magkaroon ng tablet.
Nakakaloka dahil 5k pa ang request ni madir sa kaniyang kumare, na nauna nang nagsabing naka-budget lamang ang kaniyang pera.
Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:
"Hayaan nio mag kusa mag bigay ang mga ninong at ninang hindi yung pwersahan"
"ang kapaaall. bilhan mo ng liha si marsi"
"Buti mga inaanak nmin masaya na sa pabente bente!"
"May ganyan palang nanay.. Naku buti nalang wala sming mga ninong ninang... Prang gusto nang ipaako sa ninong at ninang obligasyon nila halleerrnnn"
Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 54k reactions, 31k shares, at 3.4k comments ang nabanggit na post.