Isa ang direktor na si Darryl Yap sa mga nagluksa sa pagpanaw ng batikang aktor na si Ronaldo Valdez.

Pumanaw si Ronaldo noong Linggo, Disyembre 17, matapos itong matagpuang duguan sa loob ng kaniyang sariling kuwarto sa New Manila, Quezon City.

MAKI-BALITA: Veteran actor Ronaldo Valdez, pumanaw na

Nakita sa kaniyang kamay ang hawak na baril.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Naitakbo pa sa ospital si Ronaldo subalit dead on arrival daw ito.

Kasakuluyang iniimbestigahan ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga nangyari.

MAKI-BALITA: QCPD naglabas ng statement tungkol sa pagpanaw ni Ronaldo Valdez

Ibinahagi naman ni Yap ang tribute Facebook post ng actress-politician na si Aiko Melendez para kay Ronaldo, na nakasama niya sa pelikulang "May Minamahal."

MAKI-BALITA: Aiko Melendez, sinariwa iconic film nila ni Ronaldo Valdez

"Tito Ronaldo 🙏🏻 Rest in Peace. Your memories will live on and on… This picture was taken during the filming of one of our iconic movie together “May Minamahal” He played my father. Im blessed to experience his generosity as an actor and a friend. You will be missed 🙏🏻," mababasa sa post ni Aiko.

"haaaays. hanap ulit ako ng Digong for Inday… Sir Ron 😭😭😭," caption naman ni Direk Darryl sa kaniyang FB post.

Dahil sa caption, marami tuloy ang napapaisip na netizen kung si Ronaldo ba ang gaganap sanang "Digong" o si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pelikulang "Mabuhay Aloha Mabuhay" (MAM) na sequel ng "Martyr or Murderer," na karugtong naman ng "Maid in Malacañang."