Sinibak na sa puwesto ang dalawang pulis kaugnay ng kanilang pagkakadawit sa kumalat na video ng bangkay ng aktor na si Ronaldo Valdez.

Ito ang isinapubliko ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Col. Jean Fajardo at sinabing nakausap niya si Quezon City Police District head Brig. Gen. Rederico Maranan na nagpatupad ng nasabing hakbang.

Gayunman, hindi pa ibinubunyag ang pangalan ng dalawang pulis, kabilang ang isang station commander.

Dating miyembro ng Davao Death Squad na si Edgar Matobato, sumuko na sa ICC?

Aniya, nasa holding unit na ng QCPD ang dalawa habang isinasailalim sila sa imbestigasyon.

"This is a regrettable incident na hindi dapat kumalat sa social media. Kung ito ay kuha ng ating first police responders for documentation purposes, wala po sanang naging problema," pagdidiin pa ng opisyal.

Matatandaang natagpuan ang bangkay ni Valdez sa kanyang kuwarto sa Manga St., Barangay Mariana, New Manila, Quezon City at may tama ng bala ng baril ang kanyang kanang sentido, nitong Linggo ng hapon.