Walang nanalo sa Ultra Lotto 6/58 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes ng gabi, Disyembre 19.

Sa resultang inilabas ng PCSO, walang nanalo sa ₱513,100,080.40 na jackpot prize ng Ultra Lotto dahil walang nakahula sa winning numbers na 33-30-43-32-27-57.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Bukod dito, wala ring nakahula sa winning combination na 32-05-23-31-21-06 ng Lotto 6/42 na may kaakibat na ₱16,945,607.40 na jackpot prize.

Samantala, napanalunan naman ng isang lucky winner ang ₱310,696,635.40 na jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na may winning combination na 30-16-33-12-29-25.

Binobola ang Ultra Lotto tuwing Martes, Biyernes, at Linggo habang tuwing Martes, Huwebes, at Sabado naman ang Lotto 6/42 at ang Super Lotto naman ay kada Martes, Huwebes, at Linggo.