Nagulantang hindi lamang mundo ng showbiz kundi ang mga tagahanga, tagasuporta, at mga netizen sa pagputok ng balitang pumanaw na ang beteranong aktor na si Ronaldo Valdez noong Linggo ng hapon, Disyembre 17.

MAKI-BALITA: Veteran actor Ronaldo Valdez, pumanaw na

Naging madalang ang write-ups tungkol dito at hindi kaagad naglabas ng opisyal na pahayag ang pamilya ni Ronaldo; kaya nagtaka ang mga netizen kung bakit Quezon City Police District Headquarters (QCPD) ang naglabas ng kumpirmasyon tungkol sa kaniyang pagkamatay.

"As of today, QCPD is currently conducting a thorough investigation to ascertain the cause of the death of Mr. James Gibbs aka Ronaldo Valdez. We understand the importance of this matter; hence, we are working diligently to gather all relevant facts and evidence," ayon sa press statement ng QCPD.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"We assure the public that any findings from the investigation will be officially released. We also urge the public to refrain from concluding and respect the family's request to grieve in private," dagdag pa nila.

MAKI-BALITA: QCPD naglabas ng statement tungkol sa pagpanaw ni Ronaldo Valdez

Sa katunayan, kinabukasan ng Lunes, Disyembre 18 na nakapaglabas ng kumpirmasyon ang anak ni Ronaldo na si singer-actor Janno Gibbs.

MAKI-BALITA: Janno Gibbs, kinumpirma pagpanaw ng ama

Aniya, sana raw ay irespeto ng publiko ang kanilang pribadong pagdadalamhati.

Nag-post na rin ng kani-kanilang pagdadalamhati at pagluluksa ang ilang showbiz personalities na nakasama at nakatrabaho ni Ronaldo, kabilang na si Kathryn Bernardo, na nakasama niya sa huling nagawang teleserye na "2 Good 2 Be True" na napanood sa ABS-CBN, at kasalukuyang nasa Netflix.

MAKI-BALITA: Aiko Melendez, sinariwa iconic film nila ni Ronaldo Valdez

MAKI-BALITA: Gary V. kay Ronaldo Valdez: ‘Your authenticity never failed to move me’

MAKI-BALITA: Manager ni Ronaldo Valdez, ibinahagi ang ‘despedida dinner’ nila ng aktor

MAKI-BALITA: Kathryn Bernardo, inalala si ‘Lolo Sir’

Lumalabas sa mga ulat na natagpuang walang buhay si Ronaldo habang nakaupo sa isang silya, duguan, may tama ng bala sa kaniyang kanang sentido, at hawak pa ang isang baril. Itinakbo pa sa ospital si Ronaldo subalit idineklarang dead on arrival o DOA.

Sa social media, kaniya-kaniyang espekulasyon ang mga netizen kung bakit nagawa ni Ronaldo ang ganoong bagay, sa kabila raw ng edad nito. Lumutang sa usap-usapan ang mga netizen ang salitang "depresyon" at "prostate cancer."

May mga usap-usapang baka kaya raw nagawa ni Ronaldo ang pagbaril sa sarili ay dahil umano sa pagka-depress nito sa pagkakaroon ng prostate cancer.

Ilang netizens pa ang nagtataka kung bakit sa edad na 76 ay nakaramdam pa raw ng depresyon ang batikang aktor, bagay na sinansala at binara na kaagad ng mental health advocates dahil wala naman daw sa edad ang pagkakaroon nito.

Ngunit lalong pinag-usapan ang "misteryo" sa pagkamatay ng aktor nang magbigay ng updates ang QCPD na isasailalim sa paraffin at ballistic tests ang mga kasama sa bahay ni Ronaldo nang maganap ang insidente.

Paliwanag ng pulisya, bahagi ito ng standard operating procedure o SOP sa mga insidenteng kagaya ng kinasangkutan ni Ronaldo, lalo na't may ginamit na baril at natagpuan pa sa lugar ng pinangyarihan nito.

Hindi raw ibig sabihin nito na may kinalaman sila sa mga nangyari.

Sa kasalukuyan, hinihintay pa ang resulta ng tests.

MAKI-BALITA: Mga kasamahan sa bahay ni Ronaldo Valdez, ipa-paraffin test — QCPD official

Ngunit dahil sa imbestigasyong ito, nagkaniya-kaniyang bigay ng teorya ang mga netizen na hindi kumbinsidong magagawa ni Ronaldo ito sa kaniyang sarili.

Narito ang ilan:

"Baka may pagtatalo naganap tapos nagkaagawan ng abril pero ayun nga si Ronaldo ang nabaril. Baka naman self-defense ang ginawa ng huling taong nakasama niya."

"Oh no may twist ang story..."

"Parang teleserye naman... pero hangad kong lumabas ang katotohanan."

"It's so sad regardless if it's own doing or with foul play. Tragic!"

"I think they should not release specific details of their investigation unless they have proven a c criminal case. It cause people to speculate and judge involved people without just cause. Just say you're currently investigating the case. No need to elaborate."

Paalala naman ng mga netizen na huwag na munang pag-usapan ang tungkol dito dahil ipinaliwanag naman ng pulisya na SOP ang tests sa mga kasama sa bahay ng aktor, at hintayin na lamang ang final results ng imbestigasyon.

Sabi nga ni Janno, igalang ang pribadong pagluluksa ng pamilya.

Ang masayang alalahanin na lamang ay ilan sa mga highlights ng kaniyang karera.

Nagsimula ang showbiz career ni Ronaldo noong 1960's nang madiscover daw siya ni King of Comedy Dolphy. Napabilang siya sa pelikulang "Pepe en Pilar" nina Dolphy at Susan Roces noong 1966.

Sumunod naman ay napasama siya sa pelikulang “The Mad Doctor of Blood Island" ni Eddie Garcia noong 1969.

1974, nakasama niya sa isang trilogy movie si Superstar Nora Aunor, na may pamagat na "Fe, Esperanza, Caridad." Ito ang nagbigay sa kaniya ng pagkakataong ma-nominate sa 23rd FAMAS Awards noong 1975.

Ilan pa sa mga nagmarkang pelikula niya ay "Gaano Kadalas ang Minsan (1982)," "May Minamahal (1983)," "The Flor Contemplacion Story (1995)," "Cedie (1996)," "The Mistress (2015),"  "Seven Sundays (2017)," at "Ikaw at Ako (2023)."

Sa mga serye naman sa telebisyon, nakilala siya sa mga seryeng "Mula sa Puso (1997)," "Ang Munting Paraiso (1999)," "Full House (2008),"  "Ina Kapatid Anak (2012)," at panghuli nga ay "2 Good 2 Be True (2022)" kung saan tumatak na sa kaniya ang taguring "Lolo Sir."

Sa endorsement naman, siya ang kinilalang kauna-unahang Filipino colonel ng isang sikat na chicken restaurant na nagsimulang sumikat sa ibang bansa.

Paalam, Lolo Sir!