Tuluyan nang binitawan ng Marvel Studios ang aktor na si Jonathan Major matapos mahatulang guilty sa kasong assault at harrassment nitong Martes, Disyembre 19.

Ayon sa mga ulat, posible umanong makulong si Majors nang isang taon dahil sa naging hatol ng korte sa kaniya at mabago ang inisyal na plano ng Marvel sa mga paparating na pelikula ng nasabing studios.

"Jonathan Majors was found guilty by a Manhattan Criminal Court jury of assault in the third degree and harassment in the second degree," pahayag ng prosecutor’s office.

Magsisimula umanong sentensyahan ang aktor sa Pebrero 6 sa susunod na taon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Pahayag naman ni Manhattan District Attorney Alvin Bragg: "The evidence presented throughout this trial illustrated a cycle of psychological and emotional abuse, and escalating patterns of coercion." 

Matatandaang noong Marso ay inaresto si Majors dahil umano sa pananakit sa ex-girlfriend niyang si Grace Jabbari.

MAKI-BALITA: ‘Creed’ aktor Jonathan Majors, arestado sa umano’y harassment at assault

Ginagampanan ni Majors ang karakter ni “Kang” at ng mga variant nito sa Marvel Cinematic Universe. Sa katunayan, gumanap pa siya bilang “Victor Timely” na isa sa mga variant ni Kang sa katatapos lang na season 2 ng Loki series.

Pero bago pa man ito, una na siyang lumitaw sa season 1 ng Loki bilang “He Who Remains” at sa “Ant-Man and The Wasp: Quantumania” bilang “Kang” na pangunahing kontrabida sa pelikula.