"Only to know that this will be the last time I'm going to see him..."

Hindi raw inakala ni Jamela Santos, talent manager ng yumaong beteranong aktor na si Ronaldo Valdez, na ang pa-despedida dinner niya sa alaga ay tila nabaligtad ang sitwasyon, dahil hindi niya akalaing papanaw ito nitong Linggo, Disyembre 17.

MAKI-BALITA: Veteran actor Ronaldo Valdez, pumanaw na

Naglabas ng opisyal na pahayag ang Quezon City Police District Headquarters (QCPD) hinggil sa pagkamatay ng batikang aktor.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Sa kasalukuyan daw ay iniimbestigahan nilang mabuti ang dahilan ng pagkamatay ng aktor.

"As of today, QCPD is currently conducting a thorough investigation to ascertain the cause of the death of Mr. James Gibbs aka Ronaldo Valdez. We understand the importance of this matter; hence, we are working diligently to gather all relevant facts and evidence."

"We assure the public that any findings from the investigation will be officially released. We also urge the public to refrain from concluding and respect the family's request to grieve in private."

MAKI-BALITA: QCPD naglabas ng statement tungkol sa pagpanaw ni Ronaldo Valdez

Kinumpirma na rin ang anak ni Ronaldo na si singer-actor Janno Gibbs ang pagkamatay ng kaniyang ama. Humihiling siya sa publiko na bigyan sila ng privacy para sa pagdadalamhati sa nangyari sa batikang aktor.

MAKI-BALITA: Janno Gibbs, kinumpirma pagpanaw ng ama

Sa kaniyang latest Instagram post, ibinahagi ni Jamela na nag-dinner pa sila ni Ronaldo nitong Disyembre 15.

"This is my last dinner with him last Friday, Dec 15.. It's supposed to be my despedida dinner because I'm leaving for abroad soon.."

"Only to know that this will be the last time I'm going to see him.."

"He even gave me 3 white equadorian roses.. an unusual gesture," aniya.

Bahagi ng Instagram post ang mala-eulogy na pagbibigay-tribute niya sa kaniyang alaga, na naging mabuti sa kaniya sa panahong magkasama sila.

Hindi pa rin daw makapaniwala si Jamela na pumanaw na ang kaniyang alaga. Pakiramdam nga raw niya ay binabangungot siya.

"How can I ever endure this pain ??? How can I go on with my life?? Bangungot ba to ?? Sino na magko correct pag mali grammar ko ? Sino na kausap ko pagkagising ko sa umaga ? Bago matulog sa gabi? Mag isa na lang ako.. wala na ako kakampi. My partner in life and in crime is gone.."

"I've never cared for another human being as much as I cared and love you . You often ask me, baket kita pinagtyatyagaan? I never felt any sacrifice You are a good man. You're such a gem of a person. I am.sooo blessed.to be loved by you. When you lost someone so important, everything else become irrelevant. Thank you Pepe for making me realized I am capable of caring that much for a person.. Thaaank you for your love. Hinding hindi kita makakalimutan."

"You've loved me until your last breath.. I will be grieving until the day I die.. Ang sakeeeet,.sobra !!!!"

"Te amo tanto mucho, Pepe ❤️❤️❤️ @tito.ron.valdez," aniya pa.