Nagulat hindi lamang ang mga taga-showbiz kundi maging ang mga netizen sa balitang pagpanaw ng beteranong aktor na si Ronaldo Valdez nitong Linggo, Disyembre 17.
Si "Lolo Sir" ay 76-anyos at kabebertdey niya lang noong Nobyembre 27.
MAKI-BALITA: Veteran actor Ronaldo Valdez, pumanaw na
Kinumpirma ito ng Quezon City Police District (QCPD) nitong Linggo ng tanghali, ayon sa ulat ng ABS-CBN News.
Sa kaniyang Instagram post naman, kinumpirma ng kaniyang anak na si singer-actor Janno Gibbs na sumakabilang-buhay na ang kaniyang ama.
Nagbigay-tribute na rin sa kaniya ang nakasama sa seryeng "2 Good 2 Be True" noong 2022 na si Kapamilya star Kathryn Bernardo.
Matatandaang sa kasagsagan ng "moving forward" ni Kathryn sa hiwalayan nila ng ex-boyfriend na si Daniel Padilla, nagkomento pa si Ronaldo sa bagong hair color ng aktres.
View this post on Instagram
"Rebeldeh...🤣," simpleng hirit dito ni Ronaldo.
Nagpakita rin ng suporta si Ronaldo sa premiere night ng "A Very Good Girl."
Rest in peace, Lolo Sir.