Nanawagan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na huwag bigyang-limos ang mga pamilyang nasa lansangan ngayong Kapaskuhan.

Ginawa ni DSWD Rex Gatchalian ang panawagang ito sa paglulunsad ng “Pag-Abot sa Pasko" o ang reach-out operations ng ahensya, bahagi ng kanilang “Oplan Pag-Abot” program, kamakailan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi ng kalihim na mayroon daw function center ang Oplan Pag-Abot program kung saan puwedeng mag-abot ng tulong para sa mga pamilyang nasa lansangan.

“Ang panawagan namin sa publiko, ‘pag nakakakita tayo ng mga kapwa natin na nangangailangan ng tulong, ‘yung mga pamilyang nasa lansangan, agad-agad na bukal sa ating loob na nag-aabot tayo ng tulong. Pero alam natin ‘yung kagandahang loob na ‘yun ay puwede naman nating gawin sa mas organisadong pamamaraan,” ani Gatchalian.

Ang naturang function center ay magiging responsable sa mga reach-out activities sa Pasig City, Mandaluyong City, San Juan City, at Quezon City ngayong buwan.

Aniya pa may 13 grupo ang DSWD na naglilibot sa Metro Manila para maghatid ng tulong sa mga pamilya at indibidwal na naninirahan sa lansangan at para protekahan umano ang mga ito sa panganib sa daan.

“So we have built an offsite center that will function as a satellite center of Oplan Pag-Abot where we will process the families or individuals in street situation that we have reached out to,” aniya.

“Sana kung gusto nating tumulong, huwag nating gawin sa lansangan, kasi delikado sa kanila,” dagdag pa niya.

Bilang parte rin ng reach-out operations, inilunsad din ni Gatchalian ang offical hotline ng Oplan Pag-Abot na 8-931-9141 at social media account @oplanpagabot sa Facebook at X.